SUSUNOD SA UTOS | Inutos na pagpapatupad ng suspension of military operation sa pagitan ng CPP-NPA-NDF, susundin lang ng defense department

Manila, Philippines – Susunod lang ang hanay ng Department of National Defense at Armed Forces of the Philippines sa utos ng Pangulong Rodrigo Duterte magpatupad ng suspension of military operation sa pagitan ng Communist Party of the Philippines, New People’s Army at National Democratic Front ngayong panahon ng pasko at bagong taon.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana kung sya ang magdedesisyon ayaw nyang magkaroon ng SOMO sa pagitan ng CPP-NPA-NDF.

Pero kung ito ang desisyon ng Pangulo ay kanila itong susundin.


Sa panig naman ng Philippine National Police, agad magpapalabas ng memo ang PNP para ipatupad ang ipinag-utos ng Pangulo na unilateral Ceasefire sa CPP-NPA-NDF ngayong pasko at bagong taon.

Ito ay ayon kay PNP Spokesman Csupt. Dionardo Carlos matapos ideklara ng Pangulo kagabi ang suspension of military operations mula dec 24 hanggang January 2, 2018.

Ayon sa Malakanyang, ang hakbang ng Pangulo ay upang mabawasan ang pag-aalala ng publiko ngayong kapaskuhan.

Facebook Comments