SUSUNOD SA UTOS | Kamara, handang buwagin ang NFA

113

Manila, Philippines – Susunod ang Kamara kung ipag-uutos ni Pangulong Rodrigo Duterte kay House Speaker Gloria Arroyo na buwagin ang National Food Authority o NFA.

Ito ay bunsod na rin ng pahayag ni Pangulong Duterte na ipauubaya niya sa Kongreso ang pag-abolish sa NFA na nahaharap ngayon sa isyu ng krisis sa bigas.

Ayon kay Arroyo, nasa kapangyarihan ng Kongreso na i-abolish o i-retain ang NFA

Pero, sinabi ni SGMA na kung hihilingin sa kanila ni Pangulong Duterte na buwagin ang NFA ay gagawin ito agad ng Kamara.

Kung ito aniya ang policy call ng Presidente ay agad na tatrabahuin ito ng Mababang Kapulungan.

Matatandaang inanunsyo rin ng Pangulo ang pagbibitiw umano ni NFA Administrator Jason Aquino dahil hindi na kinakaya ang trabaho at problema sa ahensya.

Facebook Comments