Manila, Philippines – Nakatakdang suspendihin ng gobyerno ang ikalawang tranche ng excise tax sa langis.
Ito ang inanunsyo ni Special Assistant to the President Bong Go sa kanyang pagdalo sa pagbubukas ng “tienda malasakit” sa Taguig City kaninang umaga.
Aniya, may pinirmahan na si Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa suspensyon ng pagpapataw ng excise tax sa mga produktong petrolyo at epektibo ito sa Enero 2019.
Bunsod na rin ito halos linggu-linggong taas presyo sa langis at dahil na rin sa epekto ng inflation.
Nasa dalawang piso (P2.00) kada litro ng produktong petrolyo ang excise tax na ipapataw sakaling matuloy ang implementasyon ng ikalawang bugso ng excise tax sa ilalim ng TRAIN law.
Facebook Comments