SUSUPORTAHAN | MMDA, suportado ang anti-distracted walking law

Suportado ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mungkahi ng UP National Center for Transportation studies na magkaroon ng anti-distracted walking law.

Layon ng batas na protektahan ang mga pedestrian laban sa mga motoristang walang galang sa mga tumatawid at gayundin upang sitahin at pagmultahin ang mga pedestrian na walang focus sa pagtawid dahil nagtetext, naka-headset o naka-headphone.

Ayon kay MMDA Spokesperson Assistant Secretary Celine Pialago, very much welcome sa kanila ang anti-distracted walking law.


Sa ngayon may mga anti-jaywalking units sila na nanghuhuli sa mga pedestrian na tumatawid kung saan-saan pero wala silang kapangyarihan sa ngayon na manghuli ng mga pedestrian na wala sa focus habang tumatawid at mga motoristang walang galang sa mga pedestrian.

Sa datos ng MMDA nakapagtala sila ng 4,277 na mga naaksidenteng pedestrian noong 2017 kung saan 1,058 dito ang fatal habang 3,705 naman ang mga naaksidenteng pedestrian magmula January hanggang November ngayong taon kung saan 109 dito ang mga nasawi.

Facebook Comments