SUSURIIN | DTI magsasagawa ng inspeksyon sa ilang pamilihan

Manila, Philippines – Kasunod narin ng sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng ilang pangunahing bilihin dahil sa umiiral na Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.

Aalamin ngayon ng Department of Trade and Industry (DTI) kung pasok pa ba sa Suggested Retail Price (SRP) ang mga basic commodities.

Ngayong araw magkakasa ng panibagong inspeksyon ang mga tauhan ng DTI upang malaman ang presyo ng mga pangunahing bilihin tulad ng sardinas, processed milk, kape, sabong pampaligo at panlaba, instant noodles, kandila, tinapay at bottled water.


Aalamin din kung may mga negosyanteng nananamantala at mas mataas pa ang presyo ng mga itinitinda sa umiiral na SRP.

Pangungunahan ni Trade & Industry Undersecretary Ruth Castelo ng Consumer Protection Group ang gagawing inspeksyon sa ilang pamilihan.

Facebook Comments