SUSURIIN | Kahandaan ng PNP sa Mindanao kung saan talamak ang political rivalries, ininspeksyon ni PNP Chief Albayalde

Ininspeksyon ni PNP Chief, Director General Oscar Albayalde ang ilang police stations sa Mindanao para sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Nabatid na aabot sa 295 ang election hotspots sa Mindanao region kung saan may political rivalries o presensya ng mga armadong grupo.

Ayon kay Albayalde, nais nitong masiguro na handa at masusunod ang itinakdang deployment sa araw ng halalan.


Aniya, maganda at matibay na relasyon ng pulis at publiko ang makapagpapanatili ng kapayapaan sa mga komunidad.

Aabot sa 160,000 police ang ipakakalat sa buong bansa para sa araw ng halalan.

Facebook Comments