Manila, Philippines – Nagprotesta kamakailan sa harap ng Munisipsyo ng Rodriguez Rizal ang mga residente nito kabilang ang mga pari.
Inire-reklamo nila ang mga quarrying activities sa bayan, na hinuhukay ang budok para kunin ang bato at gawing grava o buhangin para sa itinatayong subdibisyon sa ibang lugar.
Bukod sa Rodriguez Rizal, nagpapatuloy rin ang ilang quarrying activities sa bayan ng San Mateo kung saan mga bundok naman ang tinatapyas upang makuha ang materyales na kung tawagin ay blue sand.
Ayon kay Special Assistant to the President Bong Go, nakarating na sa Pangulo ang hinaing ng mga residente sa lugar at pinasusuri na ito sa Department of Environment and Natural Resources.
Isa sa pinasisilip ang permit ng mga quarrying lalo at ayon sa mga residente ay iligal ang karamihan ng aktibidad ng mga ito.