Manila, Philippines – Nanawagan si Senador Bam Aquino sa administrasyon na suportahan ang kanyang isinusulong na ‘bawas presyo’ bill.
Layunin ng panukala, na suspendehin ang excise tax sa langis sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law kung saan ang average inflation rate ay nilagpasan na ang annual inflation target sa loob lamang ng tatlong buwan.
Ayon kay Aquino, ang kabuhayan ng mga ordinaryong Pilipinong pamilya ang magdudusa lalo at tumaas ang presyo ng mga produktong petrolyo dahil sa TRAIN Law.
Aniya, hindi kakayanin ng publiko ang tumaas na presyo ng mga bilihin at maaring hindi sila makaahon sa kahirapan.
Isa si Aquino sa apat na senador na bumoto kontra sa ratipikasyon ng tax reform law.
Facebook Comments