Manila, Philippines – Susuyuin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang South Korea para tulungan siya sa kanyang maambisyosong planong ayusin at pagandahin ang nalalansag na imprastraktura ng Pilipinas.
Ito ay kasabay ng nakatakdang pagbisita ng Pangulo sa Seoul mula June 3 hanggang 5 para sa pagpupulong nito kay South Korean President Moon Jae-in.
Ayon sa Department of Finance (DOF), kabilang sa mga proyektong ine-endorso ng Pilipinas sa South Korea sa ilalim ng framework arrangement ay ang bagong Cebu International Container Port.
Maaring maka-access ang Pilipinas sa loan facility ng South Korea kung saan maaring umutang ang bansa ng hindi hihigit sa isang bilyong dolyar sa loob ng limang taon hanggang 2022.
Umaasa ang finance department na ang loan agreement para sa Cebu project ay mapipirmahan sa unang linggo ng Hunyo.
Ang South Korea ay ang ika-anim sa pinakamalaking provider ng official development assistance sa Pilipinas.