Manila, Philippines – Nagsampa na ng reklamo sa Department of Trade and Industry (DTI) ang isang SUV owner laban sa Toyota Fairview Service Center.
Matatandaang nitong May 3 ay ipinasok ng compainant na si Questor Santos sa service center ang kanyang sasakyan dahil sa yupi sa likurang bumper.
Pero pagkatapos ng tatlong linggo ay nakitaan ito ng mga bagong sira.
Lumalabas din na ginamit sa practice driving ang kanyang sasakyan.
Hiling ni Santos – kanselahin ang Certificate of Accreditation ng nasabing service center dahil sa pag-abuso sa ipina-ayos niyang sasakyan.
Sumulat aniya siya na palitan ng bagong unit ang kanyang sasakyan.
Ayon naman kay DTI Undersecretary Ted Pascua – sa Lunes, July 24 nakatakdang gawin ang mediation para pag-usapan ang danyos.
Nirepaso na aniya ang accreditation ng Toyota Fairview.
Bukas naman ang Toyota management na makipag-usap kay Santos at sinisante na nila ang kanilang mga empleyadong sangkot dito.