SUV SUMALPOK SA NAKAPARADANG SASAKYAN SA BANI

Bumangga ang isang SUV sa isang nakaparadang sasakyan sa National Highway sa Barangay Tiep, Bani, Pangasinan kahapon, Nobyembre 19.

Ang SUV ay minamaneho ng isang 53-anyos na lalaki mula sa Cavite City at sakay nito ang dalawang pasahero na pawang mga residente ng Anda, Pangasinan.

Ayon sa paunang ulat, binabaybay ng SUV ang hilagang direksyon ng kalsada nang mawalan ng kontrol ang driver at diretso itong sumalpok sa isa pang nakaparang SUV sa kaliwang bahagi ng kalsada.

Walang sakay ang nakaparadang sasakyan nang mangyari ang insidente.

Nagresulta ang banggaan sa minor injuries ng dalawang pasahero, habang hindi naman nasaktan ang driver.

Dinala ang mga pasahero sa Sampaloc Community Hospital sa Bolinao para sa agarang lunas.

Kasalukuyan pang inaalam ang halaga ng pinsalang tinamo ng dalawang sasakyan.

Facebook Comments