Sumalpok sa isang tindahan ang isang SUV sa Nalsian Road, Calasiao noong Biyernes ng gabi.
Ayon kay Dionisia Santos, may-ari ng tindahan, bandang alas dos ng madaling araw habang siya ay mahimbing na natutulog, biglang bumangga ang SUV na minamaneho ng isang 19-taong gulang na lalaki.
Ayon sa paunang imbestigasyon ng pulisya, inaantok umano ang drayber na nagmula pa sa Dasol at pauwi sana sa Urdaneta City, dahilan ng pagkawala ng kontrol sa sasakyan.
Sa lakas ng pagkakasalpok, bumaliktad ang sasakyan at nawasak ang tindahan. Ang kanilang mga gamit at paninda nasira at nabasag.
Iniinda ng biktima hanggang sa ngayon ang natamong sugat sa ulo at mukha matapos siyang tamaan ng mga panindang bagong na nakabote dahil sa lakas ng pagkakabangga.
Nangako naman ang drayber na sasagutin ang mga danyos dulot ng insidente.
Paalala ng awtoridad, iwasan ang pagmamaneho kapag inaantok o hindi naka kondisyon ang katawan upang maiwasan ang anumang aksidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨