SUV, TUMILAPON AT SUMABIT SA KABLE NG POSTE SA BINMALEY

Sumabit ang isang SUV sa guy cable ng isang poste ng kuryente sa Brgy. Tombor, Binmaley.

Sa panayam ng IFM News Dagupan sa Binmaley Municipal Police Station, nagtangka umanong mag-overtake sa outer lane ang SUV nang hindi mapansin ang guy wire ng poste dahilan ng aksidente.

Patungong San Carlos City umano ang SUV bandang mag-aalas dose ng madaling araw habang sakay ang apat na katao.

Wala naman naitalang nasugatan sa insidente at natanggal na rin sa kable ang sasakyan kinabukasan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments