SUZUKI CUP | “Miracle of Hanoi Part 2”, kailangan ng Philippine Azkals kontra Vietnam mamayang gabi

35

Hindi biro ang kailangan pagdaanan ng Philippine Azkals mamayang alas otso ng gabi sa Hanoi para matupad ang pangarap nilang makausad sa finals ng 2018 Suzuki Cup.

Bukod sa lamang ng 2-1 ang Vietnam, maglalaro pa ang Azkals sa full packed na My Dinh National Stadium sa Hanoi.

Dahil dito kailangan na muling maulit ang Miracle in Hanoi na nangyari may walong taon na ang nakakaraan.

Noong 2010 Suzuki Cup, tinalo ng Azkals ang Vietnam sa Hanoi, 2-0 para makausad sa Last 4 ng torneo ang Pilipinas sa unang pagkakataon.

Dito nagsimula ang renaissance ng football sa Pilipinas.

Mula sa pagiging whipping boy sa ASEAN football, hindi na basta-basta na lamang binabalewala ang Philippine Azkals ngayon.

Patunay dito ang pagsabak ng Azkals sa 2019 Asian Cup sa United Arab Emirates sa susunod na buwan.

Facebook Comments