Swab Specimen Sample mula sa Region 02, Pansamantalang Sinusuri ng Baguio General Hospital

Cauayan City, Isabela- Muling inako ng Baguio General Hospital and Medical Center ang mga swab specimen sample na manggagaling mula sa Cagayan Valley para masuri sa COVID-19.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Dr. Glenn Matthew Baggao, medical Chief ng Cagayan Valley Medical Center (CVMC), muli aniya silang nakipag-ugnayan sa pamunuan ng Baguio General Hospital para masuri ang mga swab sample ng mga sumailalim sa swab test matapos na hindi gumana ang dating ginagamit na testing machine (GeneXpert) ng Regional Health Office.

Nilinaw ni Dr. Baggao na naubusan lamang ng cartridge ang dati nilang ginagamit na GeneXpert machine para sa pagsuri sa COVID-19.


Inaasahan aniya na medyo magtatagal o nasa dalawang (2) araw ang paghihintay bago makuha ang resulta ng swab test.

Samantala, ibinahagi ni Dr’ Baggao na mayroong labing-isa (11) na confirmed cases ang naka isolate sa CVMC at 62 ang suspected cases na binabantayan ng naturang ospital.

Aniya, dalawa sa labing isa ay may lagnat habang ang iba ay nasa mild symptoms ngunit sila ay nasa maayos pa rin na kalagayan.

Facebook Comments