Swab test bago makasama sa pilot run ng face-to-face classes, hindi na gagawin – DepEd

Tumutol ang Department of Education (DepEd) sa planong pagsailalim muna sa swab test ng mga mag-aaral bago makasama sa pilot run ng face-to-face classes.

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, hindi na ito gagawing mandatory sa mga mag-aaral dahil posibleng magdulot pa ito ng trauma.

Suportado naman ni Education Asec. Malcolm Garma ang pahayag at sinabing hindi naman ito inihihimok ng Department of Health (DOH).


Sa ngayon, handa na ang 100 paaralan na lalahok sa pagsisimula ng limited face-to-face classes sa susunod na linggo, Nobyembre 15.

30 private schools din ang posibleng kasali sa limited face-to-face classes pero inihayag ng DepEd na kailangan muna nila itong suriin dahil 20 paaralan lamang ang pinayagan.

Facebook Comments