Monday, January 19, 2026

Swab testing para sa outpatient ng National Kidney and Transplant Institute, ipagpapatuloy ngayong araw

Ipagpapatuloy na simula ngayong araw ng National Kidney and Transplant Institute (NKTI) ang outpatient COVID-19 RT-PCR swab testing.

Pansamantalang pinatigil ng ospital ang swab testing mula noong Hunyo 18 hanggang 20 dahil sa system maintenance activities ng PhilHealth.

Sa abiso ng NKTI, magre-resume ang swabbing ng ala-siyete hanggang alas-dies ng umaga at limitado lang sa 50 pasyente.

25 pasyente naman ang pagbibigyan pagsapit ng alas-tres hanggang ala-singko ng hapon.

Facebook Comments