“Swab-Upon-Arrival policy” na ipinatutupad sa Cebu, hiniling na pag-aralan ng IATF para ipatupad sa buong bansa

Hinikayat ni Deputy Speaker Bernadette Herrera ang Inter-Agency Task Force (IATF) na pag-aralan ang “Swab-Upon-Arrival policy” ng Cebu provincial government.

Kasabay nito ang pagpuri ni Herrera sa ipinatutupad ng pamahalaang panlalawigan ng Cebu na COVID-19 “Swab-Upon-Arrival policy” para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at Returning Overseas Filipinos (ROFs).

Bilib ang kongresista sa polisiyang ito dahil practical, logical at beneficial ito sa pamahalaan gayundin sa mga OFWs at ROFs.


Diin ni Herrera, inaalis nito ang emotional at financial burden ng mga OFW at ROF kasabay ng pagtitiyak ng proteksyon sa banta ng COVID-19 mula sa mga dumarating na pasahero.

Kaya naman hinimok nito ang IATF na pag-aralan kung pwede itong i-adopt at ipatupad sa buong bansa.

Kung gagawin ang “Swab-Upon-Arrival policy” ay maagang malalaman ang mga positibong kaso ng virus.

Iginiit pa ng mambabatas na hindi kailangang ikulong sa isolation ang mga OFW at ROF sakaling mag-negatibo sa test at maaaring sa mga bahay na lang mag-quarantine.

Facebook Comments