Sweat It Out shirt sa South Park Center, Alabang, Muntinlupa City, halos sold out na

Halos sold out na lahat ang mga pink Sweat It Out (SIO) shirt sa South Park Center, Alabang, Muntinlupa City kung saan isinasagawa ang Sweat It Out for a cause event ng RMN Foundation at ng Inner Wheel Clubs of the Philippines District 383.

Ayon kay Dr. Anna Liza Amalie Bolinao, Sweat It Out founder Inner Wheel Clubs District 383, As of 2:00 pm, nasa ₱149,600 na ang halagang nalikom mula sa naibentang t-shirt kung saan ang malilikom na pondo ay mapupunta sa mga kababaihang may cervical at breast cancer gayundin sa mga programang nakatuon dito.

Matututo rin ang mga participants dahil may short talks din patungkol sa Cervical and Breast at Mental Health Awareness.


Mag-e-enjoy rin ang mga participants sa mga work out, yoga at mindfulness activities na isinagawa pagkatapos ng mga shorts talks.

Tinatayang abot sa 300 participants ang nakibahagi sa aktibidad.

Nasa 30 volunteer dance instructors ang mangunguna sa work-out, yoga at mindfulness activities.

Facebook Comments