Kapansin-pansin na karamihan sa mga Dagupeño ay nakasuot ng mga makakapal na damit bilang panlaban sa lamig, lalo na sa umaga.
Ang estudyanteng si Kurt ay baon ang kaniyang jacket sa kanyang pagpasok.
Ayon sa website na AccuWeather, ang pinakamababang temperatura sa siyudad ay maaaring maitala ng 20°C pagpatak ng gabi.
Samantala, kasabay ng malamig na panahon ay ang tinatawag ring Flu Season kung saan mabilis na nagkakahawaan ng virus kaya pinagiingat din ang publiko laban sa ubo at sipon.
Ngayong Sweater Weather, hindi lamang para sa inyong aesthetic ang mga damit pang-ginaw kundi pananggalang rin sa sakit.
Kaya, idol, ilabas na ang mga itinatagong jackets at sweater dahil inaasahang magtatagal lamang ito hanggang buwan ng Pebrero, bago pumasok ang tag-init.










