Sweden, inialok ang tulong nito para mapagbuti ang EDSA Busway project ng DOTr

Ikinalugod ng Department of Transportation (DOTr) ang kahandaan ng Swedish government na tumulong upang mapagbuti pa ang EDSA Busway project.

Kasunod ito ng naging pulong nina DOTr Secretary Jaime Bautista at ni Swedish Ambassador to the Philippines, Annika Thunborg.

Sa naturang courtesy call, nangako si Amb. Thunborg na tutulong upang mapahusay ang operational efficiency ng EDSA Busway project na nag-aalok ng libreng sakay sa EDSA commuters.


Isa kasi sa problema sa EDSA busway project ay ang napakahabang pila ng mga commuters.

Kung matuloy ito, mas magiging maginhawa ang pagbiyahe ng commuters sa harap na rin ng inaasahang pagtaas ng bilang ng pasahero dahil sa pagbabalik ng face-to-face classes.

Facebook Comments