Itinanggi ng Sweden na muling tumaas ang kaso ng COVID-19 sa kanilang lugar matapos isama ng World Health Organization (WHO) ang kanilang bansa na isa sa may mataas na kaso ng COVID-19 sa Europa.
Ito ay matapos ianunsyo ni WHO Regional Director Hans Henri Kluge na kasama ang Sweden bilang European Union member state na mayroong 155 infections sa 100,000 inhabitants sa nakaraang 14 na araw.
Ayon kay Swedish State Epidemiologist Anders Tegnell, hindi sapat ang hawak na data ng WHO para isama ang kanilang bansa na may mataas na kaso ng COVID-19.
Aniya, ang dahilan ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa kanilang lugar ay dahil sa marami na silang isinasailalim sa COVID-19 testing.
Samantala, kabilang pa sa may mataas na kaso ng COVID-19 ay ang bansang Moldova, North Macedonia, Albania, Bosnia-Herzegovina, Ukraine, Kosovo, Armenia, Azerbaijan, at Central Asian States of Kyrgyzstan at Kazakhstan.