Sweden, nagpahayag ng supporta sa Pilipinas sa usapin sa West Philippine Sea

Suportado ng gobyerno ng Sweden ang posisyon ng Pilipinas na dapat manaig ang rules-based international order sa West Philippine Sea (WPS).

Ang pagsuporta ng naturang bansa ay ipinaabot ni Swedish Ambassador to the Philippines H.E. Annika Thunborg sa kanyang pakikipagpulong kay Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro nitong Lunes.

Ayon kay Sec. Gibo, inaasahan niya na magkakaroon ng global consensus sa pagtataguyod ng 2016 Permanent Court of Arbitration ruling na kumilala sa karapatan ng Pilipinas sa Exclusive Economic Zone sa West Philippine Sea.


Samantala, napag-usapan din ng dalawang opisyal ang modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP), kung saan muling inalok ni Ambassador Thunborg na i-supply sa Philippine Air Force (PAF) ang kanilang flagship multirole fighter aircraft na Saab JAS-39 Gripen.

Kapwa nagpahayag din ang dalawang opisyal ng commitment sa long-term partnership ng Pilipinas at Sweden kasabay ng pagpapalakas sa kooperasyong pandepensa ng dalawang bansa.

Maliban sa Sweden, una nang nagpahayag ng suporta sa Pilipinas ang Estados Unidos, United Kingdom, Canada, Australia, France, Japan at iba pang mga bansa hinggil sa ating claims sa WPS.

Facebook Comments