Swedish National kabilang sa naarestong suspek sa pambobomba sa Isulan

Maituturing na isang malaking tagumpay sa hanay ng security forces at maging ng mga biktima ay pagkaka-aresto sa mga suspek na nasa likod ng pinakahuling pagsabog sa bayan ng Isulan, Sultan Kudarat ilang linggo na ang nakakalipas.
Sa panayam ng DXMY kay Western Mindanao Command (WesMincom) Spokesperosn Arvin Encinas, sa ikinasang law enforcement operation kamakalawa sa bahagi ng Sitio Nakan, Barangay Kapaya, Bagumbayan, Sultan Kudarat ay nasakote ang 4 sa mga suspek sa pagpapasabog na kinabibilangan ng isang Swedish national.
Tinukoy ni Maj. Encinas ang suspek na Swedish national na si Hassan Akgun at tatlo pa na kinilalang sina Abedin Camsa; Normia Camsa; at Norshiya Camsa.
Sinabi pa ni Maj. Encinas na mariing nilang tinutukan ang insidente ng pagsabog sa bayan ng Isulan, hindi nila tinantanan ang pagpapa-followup na nagresulta sa matagumpay na pagkakahuli sa mga suspek sa pagsabog.
Nasa kustodiya na ngayon ng kapulisan ang mga suspek para sa documentation at proper disposition.
Sinabi pa ni Maj. Encinas na ang mga suspek ay nakuhanan ng isang M16 rifle with magazine containing 27 ammunitions; 1 Caliber .45 colt with magazine containing 11 ammunitions; 1 Caliber .38 revolver; 1 shotgun; 1 improvised explosive device; 13 cellular phones; 2 gallons powder substance; 2 machine timers; 4 9-bolts battery; 1 yellow bulb; 1 switch; and a backpack containing an ISIS flag, 3 led bulbs, 2 USBs, 1 resistor, at 5 assorted wires.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments