Swedish national na may red notice mula sa INTERPOL, hawak na ng NBI

Isang Swedish national ang hawak na ngayon ng National Bureau of Investigation (NBI).

Ang inarestong Swedish national ay nagpag-alaman din na wanted sa bansang Sweden ayon sa Swedish police authority dahil sa mga kasong two counts rape of a child nuong 2021 at convicted rin para sa kasong financial fraud nuong 2003 at 2009.

Dumating sa bansa ang Sweedish national noong ika-18 ng Marso.

Kahapon ay nagtungo ang mga operatiba ng NBI sa Angeles, Pampanga upang arestuhin ang Swedish national base sa mga warrant of arrest mula sa Sweden para sa mga kasong rape na kinasasangkutan nito.

Napag-alaman na nakikipag-usap na ang Swedish national sa ilang Pinoy na nag-aalok ng mga bata na muntik na niyang mabiktima.

Ngayong umaga ay naglabas na ng red notice ang INTERPOL, at kasalukuyang nasa kustodiya ng NBI sa Pasay City ang nasabing Swedish national.

Facebook Comments