Sweeper flights ng pamahalaan, patuloy na mag-uuwi ng mga Pinoy sa Cambodia at Myanmar

Hindi pa rin tinatapos ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang operasyon ng sweeper flights sa stranded na mga Pilipino sa Myanmar at Cambodia.

Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng DFA sa Myanmar National Airlines para sa repatriation ng distressed Filipinos sa nasabing mga bansa.

Kabilang sa mga huling napa-uwi ng pamahalaan ang mga menor de edad at senior citizens gayundin ang mga Pinoy na nawalan ng trabaho sa Cambodia at Msyanmar dahil sa pandemic


Mula nang magkaroon ng pandemic noong nakaraang taon, mahigit isang libong mga pinoy na ang napauwi ng pamahalaan mula sa dalawang bansa sa pamamagitan ng sweeper flights.

Facebook Comments