Naging makulay at puno ng ngiti ang araw ng mga batang may espesyal na pangangailangan matapos isagawa ang pamamahagi ng sweet treats sa Binmaley I Central School kamakailan.
Isinagawa ang aktibidad bilang bahagi ng paggunita sa National Down Syndrome Consciousness Month 2026 at National Intellectual Disability Week Celebration, na dinaluhan ng mga guro, mag-aaral, at magulang upang magbigay-suporta at maghatid ng kasiyahan sa mga bata sa pamamagitan ng simpleng handog.
Layunin ng programa na palaganapin ang kamalayan hinggil sa kahalagahan ng pagtanggap, pag-unawa, at pantay na pagtingin sa mga batang may intellectual disability at Down syndrome.
Sa pamamagitan ng munting salu-salo at masayang pagsasama-sama, naipaabot ang mensahe na bawat bata ay mahalaga, may kakayahan, at karapat-dapat mahalin nang pantay-pantay.








