SWEETNESS OVERLOAD | Luis Manzano at Jessy Mendiola, nag-celebrate ng kanilang 2nd anniversary sa Europa

Manila, Philippines – Sweetness overload sa kanilang bakasyon sa Europe sina Luis Manzano at Jessy Mendiola.

Doon kasi sila nag-celebrate ng kanilang 2nd anniversary bilang magkasintahan.

Unang pinasyalan ng dalawa ang city of love – ang Paris, France at sunod ang Italy.


Kahapon nang mag-post ng kanyang mensahe sa instagram si Luis kung saan pinasalamatan niya si Jessy sa pagiging best travel partner nito.

Inaabangan na lang ng kanilang mga fans kung kailan sila magpapakasal na kapwa aprubado naman ng kani-kanilang pamilya.

Facebook Comments