Sweldo at mga benepisyo ng mga gurong apektado ng pandemya, tiniyak na hindi papalya

Tiniyak ng Department of Education (DepEd) na hindi naipagkakait ang benepisyo at sweldo ng mga guro sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, hindi sila pumapalya sa pagbabayad ng mga benepisyo kasama ang hazarad pay at sweldo ng mga guro.

Sa katunayan ay hinahanda aniya nila ito ng mas maaga at tinitiyak na may nakahandang pondo para dito.


Tiniyak din ni Briones na bilang bahagi ng kabuuang sistema ng gobyerno ay sumusunod sila sa mga patakaran ng Inter-Agency Task Force (IATF) pagdating sa pagbibigay proteksyon sa mga guro laban sa COVID-19.

Wala aniya silang naitatalang masyadong maraming kaso ng COVID-19 sa mga guro dahil hindi naman nila pinapapunta ang mga ito sa mga paaralan.

Kung mayroon naman aniya ay nakakahanap sila ng paraan para matulungan ang mga ito.

Facebook Comments