Sweldo ng mga empleyado ng lokal na Pamahalaan ng San Juan City, posibleng maantala na naman

Umaasa ngayon si San Juan City Mayor Francis Zamora na tutugon na ang lahat ng konsehal ng lungsod sa ipinapatawag niyang special session.

 

Nabatid kasi na hindi dumalo ang walo sa labing apat na konsehal sa session nila kahapon kaya’t hindi siya nagkaroon ng otoridad para pirmahan ang tseke para magkaroon na ng sweldo ang ilang empleyado ng City Hall at San Juan Medical Center.

 

Sinabi pa ng alkalde na buong buwan pa ng hunyo walang sahod ang mga empleyado at kung hindi makukumpleto ang mga konsehal sa lunes. Posibleng hindi din sila magkaroon ng sweldo sa July 15.


 

Ayon pa kay Zamora, isantabi muna sana ng mga miyembro ng sangguniang panglungsod ang pulitika at isipin na lamang ang kapakanan ng mga nagta-trabaho sa city hall at sa nabanggit na ospital.

 

Ipinaalam naman ng alkalde ang isyu sa mga lahat ng residente ng San Juan City bilang bahagi ng isinusulong nitong transparency sa lokal na pamahalaan.

Facebook Comments