Sweldo ng mga guro, apektado na rin ng hindi pa naipapasang 2019 national budget

Apektado na rin ang sweldo ng mga guro nang hindi pa naipapasang 2019 national budget.

 

Sa interview ng RMN Manila kay Department of Education (DepEd) Undersecretary Annalyn Sevilla, partikular na epektado ang mga bagong guro mula sa region 7 at 13.

 

Ayon kay Sevilla – mula Enero ngayong taon hanggang ngayon buwan ay sumuweldo ang mga sabihing guro gamit ang “reenactment budget” na.


 

Kasabay nito, tiniyak ng DepEd na gumagawa sila ng paraan para matulungan ang mga bagong guro tulad ng cash advance.

 

Una na rin kinalampag ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) ang kongreso tungkol sa nasabing problema.

Facebook Comments