Sweldo ng Public school teachers, hindi na dapat kaltasan ng buwis

Inihain ni Senate President Tito Sotto ang Senate Bill No. 241 na nagsusulong na huwag ng kaltasan ng buwis ang sweldo ng mga guro sa public elementary at high school.

Saklaw ng panukala ni sotto ang mga guro na nasa level 1, 2 at 3 na pawang hindi pa umaabot ‪sa 26‬ thousand pesos ang buwanang sweldo.

Nakapaloob sa panukala na huwag na ring buwisan ang kanilang holiday pay, hazard pay, overtime pay at night differential pay,


Diin ni sotto, ang income tax exemption sa public school teachers ay sukli at pagkilala sa paghubog ng mga guro sa mga kabataan para maging mabuting mamamayan at maging lider ng bansa sa hinaharap.

Facebook Comments