SWERTE! | Columbia man, wagi ng mega jackpot sa lotto sa mismong araw ng kanyang retirement at birthday!

46

Columbia – Instant millionaire ang isang British Columbia man matapos na mag-retire sa kanyang trabaho.

Pero ito ay hindi dahil sa nakuha niyang retirement pay, kundi dahil sa napanalunan niyang jackpot sa lotto!

Ayon kay Ping Kuen Shum – napakagandang birthday gift din daw nito lalo’t kaarawan din pala niya noong araw na nanalo siya ng 1.55 million dollars na jackpot prize.

Katumbas ito ng mahigit 80-million pesos!

Hindi nga rin daw siya makapaniwala na sabay-sabay nangyari ang tatlong “big events” ng buhay niya sa loob lang ng isang araw!

Dahil dito, balak niya raw tuparina ng matagal na niyang pangarap na trip to China.

Facebook Comments