SWERTE! | Higit 100 tumaya sa Ultra Lotto 6/58, natumpak ang 5 sa 6 na winning combination

Manila, Philippines – Aabot sa 113 tumaya sa Ultra Lotto 6/58 ang nanalo ng consolation prize matapos makuha ang lima mula sa anim na winning combination sa draw ng nitong Martes, October 9.

Nabatid na pumalo sa ₱1.02 billion ang jackpot prize sa nakaraang draw at inaasahang aakyat ito sa ₱1.07 billion sa gaganaping draw bukas, October 12.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), makakauwi ang mga ito ng tig-₱158,760


Ang Ultra Lotto 6/58 draw ay ginaganap tuwing Martes, Biyernes at Linggo.

Facebook Comments