Nasungkit ng isang residente mula Naga City ang jackpot prize ng lotto 6/42 ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Ayon kay PCSO General Manager Alexander Balutan – natumpak kasi nito ang mga winning numbers na 19-02-31-10-08-22 sa ginanap na draw nitong Martes, November 6.
Solong maiuuwi nito ang ₱31,846,491.
Samantala, umakyat na sa ₱49,500,000 ang jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 at walang nakakuha ng mga winning combination na 43-58-21-54-23-22.
Nagpapasalamat naman ang PCSO sa mga milyu-milyong lotto players nito sa pagtangkilik ng kanilang mga laro dahil nakakatulong sila sa mga nangangailangan.
Facebook Comments