Cauayan City – Handang-handa na ang tatlong manlalangoy mula sa lungsod ng Cauayan na kabilang sa pambato ng Rehiyon Dos sa Palarong Pambansa ngayong taon.
Kinilala ang tatlong Cauayeñong swimmers na sina Mark Justine Africano at Louise Guimbarda, kapwa 14-anyos at deligado sa secondary division, habang kabilang din si Daniel Victor Africano, 11 taong gulang, at sasabak naman sa swimming elementary division.
Watch more balita here: DOLE-TUPAD, NAMAHAGI NG P19-MILYONG PASAHOD SA MGA BENIPESYARYO
Sa naging panayam ng IFM News Team sa ama ni Justine na si Ginoong Jetz Africano, matapos ang naging kompetisyon sa Cagayan Valley Regional Atheletic Association (CAVRAA) meet 2024 ay hindi na tumigil sa pag e-ensayo ang mga atleta.
Dahil dito, kumpiyansa ang mga ito na muling makakapag-uwi ng gintong medalya sa Palarong Pambansa ngayong taon.
Samantala, nagsilbing host sa naturang kompetisyon ngayong taon ang Cebu City at nakatakda itong magsimula sa ika-9 ng Hulyo at magtatagal hanggang sa ika-16 sa parehong buwan.