SWIMMING BAN SA TONDALIGAN BEACH, DAGUPAN CITY, INALIS NA

DAGUPAN CITY, PANGASINAN – Maaari ng maligo sa Tondaligan Blue Beach Dagupan City matapos alisin ng lokal ng pamahalaan ang Swimming Ban dito.

Base sa Executive Order No. 22 s.2021, ang pagsu-swimming o pagligo sa Tondaligan Blue Beach ay pinapayagan lamang sa loob ng floating marker.

Pinapayagan na rin ang pagligo sa iba pang beach areas sa lungsod ngunit kailangang ipatupad ang minimum public health standards ng mga barangay officials.


Ang pagligo din sa mga water recreational parks gaya ng swimming pool ay pinapayagan ng mag operate ngunit 50% kapasidad lamang.

Matatandaan na ipinatupad ang swimming ban sa lungsod upang mapababa ang bilang ng mga nahahawaan ng COVID-19.

Facebook Comments