Swimming pool sa mga pangunahing sports complex sa Maynila, ininspeksyon ng Manila Sports Council

18

Nagsagawa ng swimming pool inspection ang ilang Philippine Water Polo coaches at players kasama ang mga kawani ng Manila Sports Council (MASCO)

Sa pangunguna ni MASCO Officer-in-Charge Roel de Guzman, binisita nila ang mga bagong ayos na pasilidad ng lungsod.


Kinabibilangan ito ng Vitas Aquatic Complex, Andalucia Complex, Dapitan Complex, JCC Complex at Bagong Buhay Complex.

Ang naturang swimming pool inspection ay bahagi ng paghahanda ng MASCO sa pagbubuo ng Batang Maynila Water Polo Team sa lahat ng distrito ng siyudad.

Facebook Comments