SWINDLER | 2 Liberian national, inaresto

Manila, Philippines – Dalawang Liberian national ang naaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa kasong swindling o estafa.

Kinilala ang mga suspek na sina Abraham Victor alyas “George” at Harry Shoum Teenessee.

Ikinasa ng NBI-special action unit ang operasyon kasunod ng sumbong ng hindi pinangalanang complainant tungkol sa panghihingi sa kanya ng pera ng mga dayuhan.


Gagamitin daw ito pambili ng isang uri ng kemikal na mako-convert sa anila ay special paper money para maging US dollars.

Napaniwala naman ang biktima kaya agad siyang nagpadala ng 10,000 US dollars sa mga suspek kapalit ng pagpapadala sa kanya ng isang machine kung saan gagawin ang pera.

Pero nang buksan ang package, isang improvised vault lang na may lamang green colored paper na walang halaga ang tumambad sa kanya.

Nang hingan ulit siya ng karagdagang 90,000 US dollars, dito na siya naghinala at nagsumbong sa otoridad.

Facebook Comments