SWINDLING CASE | AWOL na dating opisyal ng PNP, arestado sa Quezon City

Quezon City – Arestado ang isang AWOL na pulis sa isinagawang entrapment operation ng QCPD-DSOUsa Barangay Nangka, Marikina City.

Kinilala ni NCRPO P/Director Oscar Albayalde at QCPD District Director P/C Supt. Guillermo Eleazar ang suspek na si P/Insp. Jay Ar Olaguerra, na nakatalaga sa Region 11.

Sa ginanap na Presscon sa Kampo Karingal, sinabi ni Albayalde, ang modus ng suspek ay magpanggap na opisyal at manghingi ng pera sa kapwa pulis.


Ang huli ay nagpanggap ito na PSupt. Benito Ramos at nanghihingi ng tatlonglibong piso kay PSupt. Roland Bulalacao sa pamamagitan ng Smart Padala.

Dito na nagkasa ng entrapment operation ang Dist. Special Operation Unit ng QCPD, at maghapon nilang hinintay ang suspek na kumuha ng pera.

Pero ang dalawang minor na anak ng suspek ang pinakuha nito ng pera kaya sinundan na lang ng mga pulis ang anak ng suspek hanggang makauwi ito ng bahay at dun hinuli si Olaguerra.

Napag-alaman ni Eleazar na simula nang mag-graduate si Olaguerra sa PNPA nung 2007 ito na ang naging raket nito kasama ang kanyang asawa na nagpapanggap naman na misis ng opisyal ng PNP.

Ang suspek ay nahaharap kasong Estafa at Exploitation of Minor matapos nitong gamitin ang anak na kumuha ng pera.


Facebook Comments