Swine at Poultry industry, palalakasin pa ng DA

Nanindigan ang Department of Agriculture (DA) na kailangang paigtingin pa ang kanilang mga hakbang para mapatatag ang supply at presyo ng baboy, manok at iba pang basic food items.

Ito ang sinabi ni Agriculture Secretary William Dar kasabay ng pagsisikap ng bansa na marekober mula sa impact ng African Swine Fever (ASF).

Ayon kay Dar, kailangang magkaroon ng innovative adjustments para masuportahan ang pagbagon ng agricultural at recovery efforts ng pamahalaan.


Hinihikayat ni Dar ang lahat ng agriculture officials na patuloy na tugunan ang kasalukuyang isyu sa presyo at supply ng baboy sa pamamagitan ng maayos na pagpapatupad ng Executive Order (EO) No. 124 na nagpapataw ng price ceiling sa baboy at manok sa loob ng 60 araw sa Metro Manila.

“We have to map-out sources of hogs, lead the negotiations between farmers and traders, and facilitate documentary requirements such as certifications and local transport permits so we can bring in cheaper hogs and pork products immediately to Metro Manila,” ani Dar.

Inatasan din ng DA ang mga regional directors na pangasiwaan ang kanilang agribusiness, marketing at Kadiwa teams.

Facebook Comments