Swiss challenge procurement procedure gustong ipatupad ni PRRD sa pangkalahatan

Manila, Philippines – Gusto ni Pangulong Rodrigo Duterte na magkaroon ng pagbabago sa purchasing procedure sa pamahalaan.

Sa talumpati ni Pangulong Duterte sa Cebu kagabi ay sinabi nito na babaguhin niya ang pamamaraan ng gobyerno sa pagbili ng mga kagamitan o pagkuha ng serbisyo sa mga pribadong kumpanya.

Paliwanag ng Pangulo, ito ay upang maging matipid ang gobyerno sa paggastos ng pondo ng taumbayan at maging maganda ang mga mabibiling kagamitan at makakuha ng maayos na serbisyo.


Sinabi ng Pangulo na gusto niyang ipatupad ang Swiss challenge sa mga transaksyon ng pamahalaan lalo na sa mga transaksyon ng national government.

Gusto din ni Pangulong Duterte na ilimita sa mga lokal na kumpanya na pag-aari ng mga Pilipino ang pagsali sa mga Swiss challenge.

Sa Swiss challenge ay pipili ang gobyerno sa mga kumpanyang may pinakamagandang maibibigay na serbisyo o pinakamataas na kalidad na kagamitan na hindi ginagamit ang lowest bid procedure ng procurement law.

Facebook Comments