Sworn affidavit ni dating Bulacan District Engineer Henry Alcantara, ini-evaluate na ng DOJ

Sumasalang na ngayon sa evaluation ang sinumpaang salaysay ni dating Bulacan 1st District Engineer Henry Alcantara sa Department of Justice (DOJ).

Ito ay para sa posibilidad na isama si Alcantara sa Witness Protection Program kasunod na rin ng mga sinabi nito sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee sa maanomalyang ghost flood control projects.

Pasado alas-10:30 ng umaga nang dumating sa tanggapan ng DOJ si Alcantara kasama si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.

Hindi naman sila nagpaunlak ng panayam at agad na dumiretso sa opisina ng kalihim.

Pagkatapos ng evaluation, agad ding babalik sina Remulla at Alcantara sa Senado para sa pagpapatuloy ng pagdinig.

Facebook Comments