SWS | Sen. Grace Poe, nanguna sa Survey ng Social Weather Stations na kinomisyon ng Lakas-CMD

Manila, Philippines – Nanguna si Sen. Grace Poe sa survey ng Social Weather Stations (SWS) na kinomisyon ni Lakas-CMD Deputy Secretary General Alde Joselito Pagulayan.

Tinanong ang 1,500 respondents, kung gaganapin ang eleksyon ngayon, sino ang pinakamalamang na iboboto nila bilang mga Senador ng bansa.

Karamihan ay pinili si Poe na may 52%, na sinundan ni Sen. Cynthia villar.


Ikatlo naman si Taguig Rep. Pia Cayetano na nasa 37% habang pang-apat naman si sen. Nancy binay na may 31%.

Statistically tied naman sa ikalima at ika-anim na pwesto sina sen. Koko pimentel at dating Sen. Lito lapid na kapwa may 30%.

Si dating Sen. Jinggoy Estrada ay nasa ika-pitong pwesto na nasa 29%.

Pang-walo naman si Sen. Sonny Angara na may 26%.

Ika-siyam si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na may 24%

Tabla sa ika-sampu hanggang ika-labingdalawang pwesto sina Ilocos Norte Gov. Imee Marcos, dating DILG Sec. Mar Roxas, at Sen. Bam Aquino na may tig-22%

Isinagawa ang survey mula Sept. 15 hanggang 23 ang survey na may +/- 3% margin of error.

Facebook Comments