SWS SURVEY | 42% ng mga Pilipino, positibong gaganda pa ang ekonomiya ng Pilipinas sa susunod na taon

Manila, Philippines – Positibo ang ilang Pilipino na gaganda pa ang ekonomiya ng Pilipinas sa susunod na taon.

Sa survey ng Social Weather Stations (SWS), 42% ng mga Pilipino ang optimistic sa paglago ng Philippine economy habang 12% ang naniniwalang hihina ito.

Katumbas ito ng +31 net optimism score o ‘excellent’.


Mas mababa ito kumpara sa +42 score na narekord noong december 2017.

Isinagawa ang survey mula MArch 23 hanggang 27 sa 1,200 respondents.

Facebook Comments