SWS SURVEY | 8 sa bawat 10 Pilipino, naniniwalang ‘vulgar’ ang ‘God is stupid’ remark at rape joke ni Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Ikinukunsidera ng mayorya ng mga Pilipino na ‘vulgar’ ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na ‘God is stupid’ at ang biro nito tungkol Davao City rape cases.

Base sa survey ng Social Weather Stations (SWS), 83% ng mga Pilipino ang nagsabing ‘bastos’ ang pahayag ng Pangulo tungkol sa Diyos.

Nasa 63% naman ang nagsabing ‘bastos’ din ang ginawang biro nito hinggil sa mga kaso ng rape sa kanyang hometown na Davao City.


Sa kabila nito, tumaas pa rin ang net satisfaction rating ng Pangulo na nasa +54.

isinagawa ang survey mula Sept. 15 hanggang 23 sa 1,500 respondents.

Facebook Comments