SWS SURVEY | Malacañang, itinuturing na good news ang pagbaba ng pamilyang Pilipino na nakaalis na sa kahirapan

Manila, Philippines – Itinuturing na welcome development ng Malacañang ang latest survey ng Social Weather Station na isa sa bawat tatlong pamilyang Pilipino ang nakaalis na sa kahirapan.

Sa interview ng RMN DZXL Manila kay Presidential Spokesperson Harry Roque – Ito ay patunay lamang na ramdam ang mga programa ng Duterte administration para maibsan ang kahirapan.

Ayon kay Roque – Malaking tulong din ang Build-Build-Build program ng pamahalaan na nagbibigay ng trabaho para sa mahihirap at ang pagsasabatas ng TRAIN law.


Pero, apela ni Roque sa mga bumabatikos sa TRAIN law na bigyan ito ng pagkakataon, habang binantaan niya ang mga nananamantala rito.

Sa SWS survey, umaabot sa 30% ng pamilyang Pilipino ang nakaalis na sa poverty line kung saan 18% nito ang “usually non-poor” o mahirap nang hindi bababa sa limang taon, habang ang 12% naman nito ay “newly non-poor” o mahirap sa nakalipas na isa hanggang apat na taon.

Pero sa interview ng RMN DZXL Manila kay national anti-poverty commission lead convenor liza masa – ang 2-percent na pagbaba ay hindi ramdam dahil nananatili pa ring malaki ang bilang ng mga mahihirap.

Naniniwala si Masa na marami pang dapat gawin ang pamahalaan para tuluyan ng mawakasan ang kahirapan sa Pilipinas.

Facebook Comments