SYLVIA SANCHEZ, EMOSYONAL NANG MAG-POSITIBO RIN SA VIRUS ANG BED NURSE NITO NA NAG ALAGA SA KANYA

27

Matatandaan na bukod kay Iza Calzado, ang mag asawang Art Atayde at Sylvia Sanchez ang mga unang naireport na tinamaan ng Covid19 sa Show Business. Maayos na ang lagay ng mag asawa ngayon at halos tatlong linggo narin mula ng sila ay ma discharge sa ospital. Subalit sa kabila nito, consistent pa rin ang pangangamusta nila sa mga doktor at nurse na nag alaga sakanila. Kaya naman nang malaman ni Sylvia na ang bed nurse niya nung siya ang naka confine, ay nag positibo narin, naging emosyonal ito. “Nung nag positive siya, iyak ako ng iyak.” pahayag ni Sylvia sa isang interview sa kanya.

Tila na giguilty raw ito at pakiramdam niya, siya ang nakahawa sa nurse. Saad naman daw ng nurse sakanya, maaaring hindi raw ito sakanya nahawa, dahil two weeks na silang na discharge mula sa ospital. Ang nasabing bed nurse ni Sylvia ay isa umano sa mga nag a assist sa mga Covid Patients sa nasabing ospital. Mahirap umano kay Sylvia na pag usapan ang tungkol dito dahil grabe ang impact nito sakanya.

Nalulungkot din umano ito kapag may nababalitaan na tinamaan ng virus lalo na kapag kakilala niya. Samantala, kinontak na ng ospital ang mag asawang Sylvia at Art kung nais nilang mag donate ng Blood Plasma at pumayag naman ang mga ito.

Facebook Comments