Sylvia Sanchez, may mensahe sa anak na si Arjo Atayde matapos tanghaling Best Actor sa 2020 Asian Academy Creative Awards

‘Proud Mom’ ang aktres na si Sylvia Sanchez sa kanyang anak na si Arjo Atayde.

Ito ay matapos tanghaling Best Actor si Arjo sa katatapos lamang na 2020 Asian Academy Creative Awards para sa pagganap nito sa digital series na “Bagman”.

Sa instagram post ni Sylvia, sinabi nitong ang pagkapanalo ng kanyang anak ay ang eksaktong sagot sa lahat ng kanyang tanong, pangamba at pagdadalawang isip sa sarili.


Itinuturing din ng aktres ang big win ni Arjo bilang “well-earned merit for a gifted performer”.

Kasabay nito, pinayuhan ni Sylvia ang kanyang anak na yakapin ang tagumpay pero manatiling humble.

Facebook Comments