Symbolic vaccination sa mga minimum wage workers, isasagawa sa Araw ng Paggawa

59

Magiging kabahagi ang 2,000 mga security guard, pedicab drivers, cashiers at iba pang minimum wage workers, gayunarin ang 3,000 mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa symbolic vaccination sa Sabado kasabay ng pagdiriwang ng Labor Day.

Ayon kay Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., taon-taon ay binibigyang pagkilala ang mga manggagawa, kaya ang nationwide vaccination sa darating na Sabado ay sumasalamin sa pagmamahal at pagpupugay ng bansa sa ating magigiting na mga mangagawa.

Ang symbolic vaccination na ito ay inorganisa ng Department of Labor and Employment (DOLE).


Una na ring sinabi ng Malacañang na ang DOLE na rin ang maglalabas ng masterlist ng mga mapapabilang sa programang ito.

Facebook Comments